Tax #QuaranTIPS: Alamin kung paano ipa-rehistro ang iyong negosyo!

Tax #QuaranTIPS: Alamin kung paano ipa-rehistro ang iyong negosyo!

Narito ang step by step na proseso sa pag apply ng BIR Certificate of Registration para sa ating QCitizens.

STEP 1
Siguraduhin na ikaw ay mayroon ng mga sumusunod na dokumento:

• DTI Business Name Registation
Maaari mag rehistro gamit ang link na ito: bnrs.dti.gov.ph/registration or pumunta sa pinakamalapit na DTI office sa inyong lugar.

• Mayor’s Permit (Business Permit)
I-rehistro ang iyong negosyo gamit ang Quezon City Business One-Stop-Shop (BOSS) ng Business Permits and Licensing Department (BPLD). Pumunta sa link na ito: tinyurl.com/QCBusinessPermitRegistration. Dahil “New Normal” na ngayon, siguraduhin na mag-set muna ng appointment online bago ka pumunta sa City Hall. Upang makapag schedule ng appointment, pumunta sa link na ito: tinyurl.com/QCBOSS-AppointmentSystem

• Government-issued IDs

STEP 2
Pumunta kung saang BIR-RDO ka naka-rehistro. Siguraduhing dala ang mga sumusunod na mahahalagang dokumento:

• DTI Certificate (if with business name)

• Mayor’s Permit/ City Business Permit

• BMBE Certificate of Authority (if applicable)

Isubmit ang BIR Form 0605 o Payment Form para sa Registration Fee na P500.00 at para sa loose Documentary Stamp Tax for affixture to COR sa halagang P30.00


STEP 3
Kapag nakumpleto mo na ang mga step na ito, matatanggap mo na ang iyong Certificate of Registration (COR), BIR-received Registration Form (1901), Notice to Issue Receipts/ Invoice (NIRI), BPR/BPI o ATP (per taxpayer’s choice) at proof of payment of registration fee!

Paalala: Ang mga online seller na kumikita ng below P250,000 per year ay tax-exempted ngunit kailangan pa rin irehistro ang negosyo.

Tingnan ang kumpletong proseso dito: https://www.facebook.com/100229608034789/posts/311544536903294/?d=n


Para sa ibang katanungan, tumawag sa Bureau of Internal Revenue (BIR) Contact Center sa mga hotline numbers na ito: 981-7003, 981-7020, 981-7046 o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

#LabanParaSaQC
#QCLabanCOVID19

Read 422 times

Who's Online

We have 210 guests and no members online